INI-REVEAL ni Kris Aquino sa The Empress’ Banquet event ng Chow King last Wednesday na hindi lang sa Pilipinas siya endorser ng nasabing fastfood chain kundi sa buong mundo, dahil magkakaroon na rin ito ng branches sa iba’t ibang bansa sa susunod na taon.
At bagamat hindi siya magkakaha dahil tiyak daw na manglilibre siya at baka malugi lang ang business venture niya, dalawang beses sa isang linggo naman niyang bibisitahin ang kanyang Chow King branch na bubuksan sa Alimall Cubao, Quezon City sa November 28.
“Sabi kasi ni Boy (Abunda), dapat mayroon akong negosyo na tatakbo kahit hindi ako araw-araw na nandoon. Sabi niya, ‘If you want to succeed, you have to be there, na kahit every other week kailangan makita ka diyan, na maramdaman nila (staff/customers) you are involved. Kaya after ng shooting ng Feng Shui kasi naghahabol kami now, magkakabuhay na ako, puwede na akong (dumalaw),” kuwento ni Kris.
May lumabas na isyung hindi aabot sa deadline ang 2015 Metro Manila Film Festival entry nila ni Coco Martin. Totoo ba ‘yun?
“I have no idea, let’s pray! I have shooting on October 31 and November 1, and November 4 all the way until November 20, sana umabot let’s pray,” sagot ng Queen of All Media.
Katunayan, may ugong na hindi lang ang Feng Shui ang naghahabol sa deadlines kundi maging ang iba pang entries kaya humihingi ng extension ang mga producer.
“Ah, talaga? Well, ‘yung sa amin kasi ang reason behind the delay, siyempre naman, compassion naman to what Cherrie Pie (Pichache) went through at siya ‘yung nag-request na kung puwedeng sa November siya magso-shoot, eh, ‘yung takbo ng kuwento kailangan talaga from 40% onwards, nandoon siya.
“So, it’s our journey, eh, ni Pie at ni Coco, siyempre alangan namang sabihin na, ‘uy mag-shooting ka’, ang sama-sama. So, intindihin na lang. Yes, magdasal at sana umabot.
“Yes, I agree kasi bukas (kahapon) lang ang resumption ng shooting ni Bimb at ni Vice (Ganda, para sa Praybeyt Benjamin 2) kaya isa pang goodluck,” sabi pa ni Kris.
Hindi ba nag-offer si Vic Sotto na muli silang magsama sa Big Bossing dahil nu’ng nakaraang taon ay sila nina Ryza Mae Dizon at Bimby ang magkakasama at kumita ng malaki ang My Little Bossing.
“Actually, nag-offer sila, but hindi kami pinayagan ni Tita Cory (Vidanes), kaya nga nakuha ko ang Feng Shui, kasi iyon ang binargain sa akin na gagawin ko at may investment ako sa movie namin.
“Same thing with Bimb, hindi rin siya pinayagan, kaming dalawa, kaya napunta siya sa movie ni Vice at may investment din siya ro’n, ha-ha-ha-ha,” pagtatapat ng TV host/actress.
Nabanggit niya ang terminong may calling siya sa ‘public life’, desidido na ba siyang pasukin ang pulitika?
“Not in 2016! Pero hindi ko tinatanggal ang possibility, kasi ‘yung some point in your life, you have to give back sa rami ng blessings na tinanggap mo, so ‘yun nga, parang pinag-usapan namin ng mga kapatid ko ‘yun. With my sisters, I said na, number one, kailangan teenager na si Bimb kasi ayoko na masabi niya na ‘my mom was never there’, eh, ngayong artista at host ka, ganito na ang schedule, what more kung papasukin mo ang public life.
“Secondly, gusto ko talaga… may business acumen ako, parang naramdman ko na ‘yun ang kailangan natin na we’re a developing country, papunta na tayo ro’n. Nakahanap na tayo ng leaders na matuwid na mapagkakatiwalaan, dapat naman kasabay nu’n whether locally or nationally dapat may business expertise ka talaga or hindi ka tatanga-tanga sa negosyo.
“Kasi kailangan talaga na alam mo what the process is like kasi pinagdaanan ko ‘yun like itong pagkuha ng permit, ayaw kong ipaayos kasi ayoko ng fixer, so ginawa namin talaga ang sinabi ko na, ‘Please don’t give me special treatment, gusto ko ‘yung totoong pila, totoong fee gusto kong gawin. So nagawa namin in fairness.”
Ipinakita sa KrisTV noong isang araw na talagang pumila siya sa pagpaparehistro ng negosyo niya.
Natawa si Kris nang tanungin kung kailan siya mag-i-invest sa lovelife niya.
“When will I invest in my lovelife?” ulit niya sa tanong na hindi kaagad niya nasagot. “’Tagal kong pinag-isipan ang isasagot ko kasi ayaw kong mapahiya sa isasagot ko, ha-ha-ha.
“Siguro kasi it’s not time, hindi siya magwo-work, hindi magwo-work with the schedule like this. Secondly, who wants a girlfriend who has always followers in Instagram na kailangan, di ba, na for people to allow you into their lives and into their home, you have to allow then into your life, so ‘pag hindi ko na kailangang mag-post ng nangyayari sa buhay ko.
“Mayroon akong figures na sinet, if naipon ko na ito, I can retire. By retiring, I don’t think I’m gonna work then, I’m gonna have a private life, konti na lang maabot na siya, so malapit na,” tumatawang sabi ni Tetay.
May prospect na ba siya?
“Wala, nobody worth mentioning, ha-ha-ha, ang taray!”