LEGAZPI CITY — Inihalal kamakailan bilang chairman ng Luzon Area Development Coordinating Council (LADCC) si Albay Gov. Joey Salceda, na namumuno rin sa Bicol Regional Development Council (RDC). Nangako siyang isusulong niya ang Luzon 2045 Plan na kasalukuyang binabalangakas. Ang LADCC ay binubuo ng walong RDC na nagbibigay direksyon sa ekonomiya ng Luzon. Binubuo ito ng 38 lalawigan at 771 lungsod at bayan.

Ang kahusayan ni Salceda ekonomiya at kaalaman sa climate change adaptation at disaster risk reduction ay kinikilalang mahahalagang sangkap sa pagbibigay ng akmang direksiyon sa pagpapasulong ng ekonomiya ng Luzon sa pamamagitan ng LADCC.

Iniuugnay kay Salceda ang kahanga-hangang pagsulong ng ekonomiya ng Bicol na lumago ng 9.4% nitong nakaraang 2013 na higit pang mataas sa 9.1% na paglago ng National Capital Region. Ipinaliwanag niyang kasama sa mga konsiderasyon sa Luzon 2045 Plan ang connectivity o seamless integration ng urban, production at protection areas na paglalapitin ng mahahalagang imprastraktura; at pagpapalakas ng kanilang pamamaraan upang labanan ang mga kalamidad.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasama sa balangkas ang pagbibigay prioridad sa railway transport system – ang North-South Railways Project, lalo na ang South line ng PNR mula Maynila hanggang Matnog, Sorsogon at magkakaroon ng sangay sa Legazpi at Tabaco City; ang North line hanggang Tuguegarao, Cagayan na may mga sangay patungong Clark sa Pampanga, at Vigan, Ilocos Sur; at ang North-South Commuter Rail mula Malolos, Bulacan hanggang Calamba, Laguna.