Oktubre 31, 1926 nang pumanaw ang magician at escape artist na si Harry Houdini dahil sa gangrene at peritonitis. Mahigit 2,000 tao ang nakipaglamay noong Nobyembre 4 sa New York sa Amerika.

Inilagak ang kanyang labi sa Machpelah Cemetery sa Queens, New York. Nakaukit sa kanyang puntod ang simbolo ng Society of American Magicians.

Bago pumanaw, Oktubre 22, 1926 ay sumakit ang tiyan ni Houdini nang tanungin ng estudyante ng McGill University na si J. Gordon Whitehead kung makakayanan ng magician na tiisin ang sakit, gaya ng sinasabi nito.

Ang gangrene ay ang ay pagkabulok ng isang malaking tissue sa katawan. Nangyayari ito pagkatapos ang sugat o impeksiyon. Sa kabilang banda, ang peritonitis ay ang peritoneum, ang manipis na tissue na sa loob ng tiyan at bumabalot sa karamihan ng abdominal organs.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol