MMDAaraneta03_CPD_kjrosales_291014

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero na uuwi sa mga lalawigan sa Undas, nagsagawa ng random alcohol test ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ilang mga bus terminal sa Metro Manila.

Mula sa 18 driver na isinailalim sa random alcohol test sa Araneta bus terminal sa Quezon City, isa ang nagpositibo na uminom ng alak.

Lumitaw sa breath sample mula kay Edgar Larrarte, isang bus driver, ang 0.37 alcohol level kaya umamin ito kay MMDA Chairman Francis Tolentino na nakainom ito ng alak bago nagtungo sa bus terminal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Dapat zero ang blood-alcohol level sa lahat ng driver ng pampublikong sasakyan,” iginiit ni Rey Arada, team chief inspector ng MMDA.

Pinayuhan ni Tolentino si Larrarte na magpahinga muna ng ilang oras bago magmaneho ng bus.

Gamit ang breath analyzer, ilang mga driver ng Philtranco bus ang isinalang din sa alcohol test ng MMDA.

Patuloy na magsasagawa ang MMDA ng random alcohol test sa driver ng mga pampublikong sasakyan hanggang ngayong Biyernes