Limang kilabot na holdaper ang nadakip ng mga tauhan ng Sub-station 1 sa magkakasunod na operasyon ng mga pulis sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Sa report ni Chief Insp. Reynaldo Medina Jr., hepe ng Sub-Station 1 (SSI) ng Bagong Barrio Police Station kay P/ Sr. Supt. Ariel C. Arcinas, kinilala ang mga arestadong suspek na sina Patrick Cruz, 20, ng 40 Pangako Street, Bagong Barrio; Ronaldo Mallari, 36, ng Pio Valenzuela Street; Jared Acosta, 30, ng Reparo Street, Morning Breeze; Gerome Bondoc, 18, ng Josepina St.; at Mefren Ramos, 21, ng Kampupot St., Caloocan City.

Nag-ugat ang pagkakadakip sa mga suspek matapos na magtungo sa Sub-Station 1 ang mga biktima upang maghain ng reklamo.

Sa pamamagitan ng rouge gallery ng SSI at sa tulong ng mga impormante, nakilala ang mga biktima at nabatid ng grupo ni Medina ang pinagtatambayan ng mga ito.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Dahil dito, nagsagawa ng “Oplan Galugad” ang grupo ni Medina na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Robbery hold-up isinampang kaso ng mga pulis sa mga naarestong suspek.