SAN FERNANDO, La Union— Arestado ang isang Korean matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng droga, Lunes ng hapon.

Base sa ulat ni Supt. Julius C. Suriben, chief of police, si Sangsu Kim, 21, pansamantalang naninirahan sa San Francisco City, ay namataang nagbebenta ng marijuana sa mga pulis.

Nasamsam sa suspek ang dalawang dried marijuana leaves, cellphone (Samsung Galaxy V) at P1000 (marked money) na ginamit sa buy-bust.

Kasalukuyang nasa Region I Crime Laboratory si Kim para sa screening test at qualitative examination, ani Suriben. Mar T. Supnad

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon