Oktubre 29, 1618 pinugutan si Walter Raleigh sa London dahil sa pakikipagsabwatan upang patalsikin sa puwesto si King James I 15 taon na ang nakalilipas. Sa panahon ng pamumuno ni Queen Elizabeth, inilunsad ni Raleigh ang una pero nabigong Roanoke settlement sa ngayon ay North Carolina.

Gayunman, kinainisan ni Queen Elizabeth si Raleigh nang mapag-alaman ng reyna ang tungkol sa lihim nitong pagpapakasal sa maid-of-honor na si Bessy Throckmorton. Nang maging malaya, pinakasalan ni Raleigh si Throckmorton at nakipaghiwalay sa reyna.

Makaraang pumanaw ang reyna noong 1603, inakusahan si Raleigh bilang kaaway ni King James I, at hinatulang mamatay. Napawalang-bisa sana ang hatol sa kanya kung naging matagumpay lang ang kanyang 1616 Expedition, pero nabigo siya.

Isa rin siyang kilalang manunulat at adventurer.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente