Ngayon ang Republic Day ng Turkey.

Isang regional power ang Turkey dahil sa lokasyon nito (matatagpuan sa Estern Asia at Southeastern Europe), malaks na militar, at malawak na ekonomiya. Miyembro ito ng iba’t ibang international organization, kabilang ang Organizations for Economic Cooperation and Development (OECD), ang Organization for Security and Cooperation in Europe (OS CE), ang Council of Europe, ang Economic Cooperation Organization, at ang North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Tinatamasa ng Turkey at Pilipinas ang magiliw na ugnayan. Itinatag ang ugnayang iyo sa paglalagda ng Treaty of Friendship ng dalawang bansa noong 1949. Binuksan ng Turkey ang kanilang Embahada sa Manila noong Disyembre 1990, samantalang noong Oktbre 1991 naman ang Embahada ng Pilipinas sa Angkara. Mula noon, iba’t ibang kasunduan ang nalagdaan, kabilang ang Mutual Promotion and Protection of Investments, pati na ang Prevention of Double Taxation, at ang Economic and Technical Cooperation Agreement, at isang Memorandum of Understanding on the Establishment of the Political Consultation Mechanism.

Umiikot ang ekonomiya ng Turkey sa produksiyon ng hazelnuts, apricots at cherries, textiles, motor vehicles, ships, construction materials, consumer electronics, at home appliances. Mahalaga rin ng turismo sa Turkish economy na may mahigit 30 milyong bisita taun-taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Republic of Turkey sa pangunguna nina Pangulong Recep Tayyip Erdogan at Prime Minister Ahmet Davutoglu, sa okasyon ng kanilang Republic Day.