CARABAO MEAT ● Naglunsad ang Philippine Carabao Center (PCC) ng artificial insemination program upang makapagparami ng produksyon sa karne sa bayan ng Cabugao Ilocos Sur. Ayon sa Department of Agriculture, bahagi ng proseso ang pagkuha ng semilya at mekanikal na idedeposito sa babae. Mabisang paran ito upang makapagparami ang naturang hayop upang maigting ang supply ng karne ng baka at kalabaw sa mga pamilihan. Maliban sa karne nito pinagkukunan din nila ito ng gatas na ginagawang keso. Nagsasanay na ngayon ang mga residente ng pitong barangay ng Catucdaan, Maradodon, Nagsincaoan, Cacadiran, Cuancabal, Lipit at Bato para sa kanilang kabuhayan o dagdag-kita. Sa kasalukuyan, may 45 hayop ang pinararami sa pamamagitan ng artificial insemination. Win-win situation ito para sa mga taga Cabugao: may masarap, masustansiyang karne sa sila, at may kabuhayan pa.

WALANG PASOK ● Nagdeklara na ang pamunuan ng University of Santo Tomas (UST) na wala silang pasok mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral at mga kawani nito na gunitain ang Todos Los Santos. Ang anunsiyo ng UST sa Facebook page nito ay kasunod na rin ng pahayag ng Malacañang na walang long weekend na aasahan dahil hindi ikinukonsiderang holiday ang Oktubre 31, Biyernes. Kaya mga magulang, holiday din ang inyong mga bula sa kabibigay ng baon sa naturang mga araw na walang pasok sa UST.

WALANG DISOUNT ● Huwag nang umasang magkakaroon ng discount ang mga motorista na daraan sa pitong expressway sa Undas. Ito ang sinabi ng Toll Regulatory Board (TRB) kamakailan na nagsabi ring hindi sila magpapatupad ng dagdag-singil sa toll fee. Ito ang napagpasyahan sa pulong ng TRB at toll operators ng North Luzon Expressway (NLEx),Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx), Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEx), Skyway, South Luzon Expressway (SLEx), Southern Tagalog Arterial Road (STAR) at Cavitex. Tiniyak naman ng TRB na handa na ang mga expressway sa pagdagsa ng mga biyaherong uuwi sa iba’t ibang probinsya para dalawin ang kanilang namayapang mahal sa buhay na inaasahan simula Biyernes ng tanghali hanggang Nobyembre 4 sa kanilang pagbabalik sa Kamaynilaan. Aayuda rin ang may 2,000 traffic enforcere at constable ng Metropolitan Manila Development Authority. Ang maaasahan na lamang ng mga motorista ay ang maginhawang paglalakbay sa mga pangunahing daan patungo sa mga lalawigan.
National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?