Natutunan na ni Japeth Agfuilar kung paano gagamitin ang kanyang naging karanasan bilang miyembro ng Gilas Pilipinas sa isang kahangahangang performance para sa kanyang koponang Barangay Ginebra San Miguel sa unang linggo ng PBA 40th season.
Ipinakita ng 6-foot-9 na si Aguilar ang kanyang lakas sa dalawang masasabing overpowering games para pangunahan ang Kings kontra powerhouse Talk ‘N Text at expansion team KIA Sorento.
Gamit ang kanyang liksi at bilis na tinambalan pa ng kanyang ipinagmamalakaing athleticism, ang 26-anyos na dating sentro ng Ateneo de Manila at Western Kentucky University ay nagpaulan ng 18 puntos at 18 rebounds bukod pa sa limang blocks upang pamunuan ang Gin Kings sa 101-81 panalo noong opening day laban sa Tropang Texters.
At bilang pagpapatunay na hindi tsamba ang nasabing unang laro, isinalansan ni Aguilar ang 12 sa kanyang naitalang team-high na 16 puntos sa first half ng laban ng Kings kontra Sorento,na nagresulta sa 87-55 panalo sa labang idinaos sa Quezon Convention Center sa Lucena.
Sa naturang dalawang laro ay nagtala si Aguilar ng average na 17 puntos, 14 rebounds at 4 blocks na nagging susi upoang siya ang mapili bilang kauna-unahang Accel-PBA Press Corps Player of the Week ng ika-40 taon ng liga kung saan tinalo niya para sa lingguhang citation ang kakamping si Greg Slaughter at reigning MVP at San Miguel Beer center June Mar Fajardo at kakampi nitong si Arwind Santos.
“Japeth, for the past two games, has been playing through his strengths,” pahayag ni Ginebra coach Jeffrey Cariaso.
“He’s improving on understanding the importance of being detailed-oriented.”
Bagamat hindi gaanong nabigyan ng kaukulang exposure sa nakaraang FIBA World Cup at Asian Games, labis ang pagpapasalamat ni Aguilar dahil sa kanyang naging karanasan sa loob ng dalawang buwang international stints.
“Malaking malaki ang mga bagay na natutunan ko dun (Gilas). Experience-wise, to take every game, game prep, mga natutunan ko from my teammates and coaching staff, iyun ang mga na-apply ko sa basketball career ko ngayon,” ani Aguilar.