ILOILO CITY - Inaasahan na ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City na maantala ang pagpapagawa sa kontrobersiyal na Iloilo City Convention Center (ICC).

Ayon kay Engr. Edilberto Tayao, regional director ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nadiskuwalipika ang contractor na nanalo sa pinakamababa nitong bid sa proyekto.

“Lumalabas kasi sa ating pag-aaral na hindi kaya ng contractor ang proyekto. Binigyan muna natin ng pitong araw ang contractor para makapag-comment,” ani Tayao.

Ayon sa DPWH, may P187.6 milyon budget ang ICC, na ikinokonsiderang isa sa pinakamalaking proyekto ng DPWH sa Iloilo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Minamadali ang ICC dahil pagdarausan ito ng Asia Pacific Economic Conference sa 2015.