ISANG pamilyang nagsisikap na muling magsimula sa kanilang bagong tahanan ang malalagay sa bingit ng kamatayan mula sa isang obsessed at mapaghiganting multo.

Ito ang madilim na istorya ng horror-suspense thriller na Halik Sa Dilim, ang special TV-movie Halloween presentation ng TV5 na eere sa Huwebes, Oktubre 30, 7 PM. Sa direksiyon ni Argel Joseph, tampok sa original film offering na ito ng TV5 sina JC de Vera, Helga Krapf at Nadine Samonte, kasama sina Dang Cruz, Mariel Ponte, Jace Flores, Gio Alvarez, Cita Astals at LJ Moreno.

Ang Halik Sa Dilim ay tungkol sa batang doctor na si Jimuel (JC), na makikilala ang maganda at mapang-akit na si Mercedes (Helga) sa isang medical mission. Mahuhulog ang damdamin ni Jimuel sa pang-aakit ni Mercedes, na isa palang multo na guguluhin ang buhay ng asawa ni Jimuel na si Charlotte (Nadine) at ng kanilang anak na si Caroline (Mariel) upang mapasakanya si Jimuel.

Alamin kung saan hahantong ang makatindig-balahibong panggugulo at pagtatangka ni Mercedes sa buhay ng mag-inang Charlotte at Caroline. Mailigtas kaya ni Jimuel ang kanyang mag-ina mula sa nakaambang panganib o habang buhay na siyang maaangkin ni Mercedes?

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Huwag palagpasin ang exclusive one-time airing ng Halik Sa Dilim” bukas na, 7 PM, sa TV5.