Nagbabala sa publiko ang isang ecological group laban sa pagbili ng mga nakalalasong kandila para ialay sa mga yumaong mahal sa buhay sa Undas.

Partikular na tinukoy ng EcoWaste Coalition ang mga imported Chinese candle na may metal wicks o metal na pabilo.

Ayon sa grupo, ang mga naturang kandila ay matagal nang ipinagbabawal sa ibang bansa dahil na rin sa panganib ng lead poisoning, ngunit patuloy pa ring ipinagbibili sa Binondo sa Maynila.

Nabatid na ang mga naturang kandila ay inilalagay umano sa mga gourd at pineapple-shaped glass containers, at ipinagbibili sa mga tindahang nag-aalok ng Chinese prayer articles.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Una rito, bumili umano ang EcoWaste ng 15 pares ng puti, pula, at dilaw na paraffin wax candles na may metal wicks na tig-P150 bawat isa.

Isinailalim nila ang mga kandila sa pagsusuri at natukoy na 20 sa mga kandila ang nagtataglay ng 207,350 parts per million (ppm) ng lead sa composite wicks nito.

Nilinaw naman ni Anthony Dizon, coordinator ng EcoWaste, na karamihan sa mga kandilang ipinagbibili sa merkado, partikular na ang mismong gawa sa Pilipinas, ay gumagamit lang ng cotton wicks at wala itong dulot na panganib.