BASEL, Switzerland (AP)- Na-upset ng teenager na si Borna Coric si second-seeded Rafael Nadal sa straight sets upang umentra sa semifinals ng Swiss Indoors at sariling ipinahayag pa nito na siya’y isa sa umaangat na stars sa tennis.

Wala namang pagbabago kay Roger Federer kung saan ay nanatili ang top-seeded Swiss sa kontensiyon para sa minamataan nitong ikaanim na titulo makaraang talunin si fifth-seeded Grigor Dimitrov, 7-6 (4), 6-2.

Sadyang ‘di kinakitaan ng magandang porma si Nadal, inihayag matapos ang match na siya’y sasailalim sa appendicitis surgery at siya’y nakapaglaro lamang sa kanyang ikatlong tournament simula pa sa Wimbledon sanhi ng wrist injury, habang sumiklab ang porma naman ni Coric upang magwagi sa 6-2, 7-6 (4).

‘’It was difficult in the whole match, in the whole tournament,’’ pahayag ni Nadal. ‘’Every day I felt more tired, I tried to practice, to get fit but it was not possible. The past four, five months have been very tough for me. It’s been difficult to play and compete.’’

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinuha lamang ng 17-anyos na Croatian ang 35 minuto upang kunin ang opening set, matapos na kamkamin ang 5-0 lead na lubos na nagpahanga sa crowd.

‘’It’s an unbelievable feeling,’’ pahayag ni Coric. ‘’I’m so proud of myself and I hope I can play the same game tomorrow.”