Oktubre 26, 1825 nang buksan sa publiko ang 425-milyang Erie Canal na nag-uugnay sa Great Lakes at sa Atlantic Ocean sa pamamagitan ng Hudson River. Pinasinayaan ito sa “Grand Celebration.”

Pinangunahan ni noon ay New York Governor DeWitt Clinton ang selebrasyon dahil siya rin ang nanguna sa konstruksiyon ng proyekto. Sakay si Clinton sa canal boat na tinawag na “Seneca Chief,” na naglayag mula sa Buffalo, New York hanggang sa New York City, at bilang bahagi ng seremonya ay nagbuhos ng tubig mula sa Lake Erie patungong New York Harbor.

Magastos ang pagbibiyahe ng mga kalakal mula Albany, New York dahil wala pang tren noon. Pursigidong isinulong ni Clinton ang pagpapatayo sa isang canal mula sa Buffalo patungong Albany, New York. Noong 1817 ay nakumbinse niya ang mga mambabatas na maglaan ng $7 million para sa pagpapagawa ng canal, na nagtagal ng walong taon.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race