Oktubre 25, 1861 itinatag ang Toronto Stock Exchange (TSX) matapos magsumite ng isang resolusyon sa Masonic Hall sa Toronto, Canada sa layuning magkaroon ng mekanismo para sa palitan ng pera at mga instrumento nito.

Ang pakikipagkalakalan ay nagtatagal ng kalahating oras kada araw, dahil may 18 security lamang, na karamihan ay binubuo ng mga kumpanyang real estate at bangko.

Noong una, ang pagpapamiyembro ay nagkakahalaga ng $5, ngunit noong 1871, tumaas ito sa $250, noong may 14 TSX member-firm na. Hanggang sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo, ang kapital na inilaan para sa pagpapaunlad sa Canada ay nagmula sa merkado ng London.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Noong 1878, opisyal na isinama sa Act of Ontario Legislature ang TSX, na naging ikalawa sa Canada, kasunod ng Montreal Exchange. Noong 2007, ang dalawa sa pinakamatatandang stock exchange ay nagsanib sa TMX Group.