May quota system nga ba sa Philippine National Police (PNP)? Ang quota system na tinatawag ay ang lingguhang suhol na tinatanggap ng mas matataas na police official sa kanilang mga tauhan. Kamakailan kasi ay ibinulgar ng isang may ranggong opisyal ng pulis ang quota system na ito, isang suhol na hinihingi ng mas matataas na opisyal sa kanilang mga tauhan. Sinasabi ng opisyal na nagbulgar na ang suhol ay mulang P3,000 hanggang P7,000 isang linggo, depende ito sa lugar na kinadedestinuhan ng opisyal. Meaning, kapag maganda at maraming puwedeng maging sources ng delihensiya, malaki ang suhol.

Ibinulgar pa ng nagsiwalat na opisyal, na ang karamihan sa koleksiyon ay nagmula sa ilegal na mga pasugalan sa kani-kanilang hurisdiksiyon, suhol mula ng droga. Ang itinuturing na mga vulnerable sa sistemang ito ay ang chief of police at mga pinuno ng iba’t ibang unit, pero siyempre pang ang nahihirapan ay ang kanilang mga tauhan na para makasunod ay napipilitang gumawa ng mga bagay na ilegal.

Matagal nang bulung-bulungan ito at maraming naniniwala sa bagay na ito lalo na kung pagbabatayan ang kasalukuyang mga nangyayari sa ating bansa na kalimitan ay kinasasangkutan ng mga pulis. Ang mga check point na lamang halimbawa sa kung saan-saang parte ng ating mga lansangan na sinasabing para mapigil ang mga ilegal na gawain at para na rin sa pagsalakay ng mga NPA ay ginagamit na lugar para sa pangongolekta ng tong sa mga lehitimong mangangalakal na nagbibiyahe ng kanilang mga kalakal. Mulang mga prutas, gulay, manok, baboy at kung anu-ano pa ay hindi makalalampas sa mga check point na ito nang hindi “mag-aabuloy” sa mga pulis na nakabantay roon. Ang mga ilegal na sugalan o sugal na tulad ng jueteng, ay hindi masugpu-sugpo dahil sa tong at ito ay alam na halos maging ng mga bagong panganak.

Sinasabi ni Interior and Local Government Secretary Manuel Roxas II na bagama’t ito ay may bahid ng katotohanan ay mahirap mapatunayan. Kailangan aniya may lumitaw na magpapatunay sa elegasyong ito. Sinasabing kapag talagang gusto ay maraming paraan, pero pag ayaw, maraming dahilan. Kaya ganyan kahirap na maipatupad ang sinasabi ni PNoy na Matuwid na Daan!

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina