James & Nadine

MUKHANG mahirap tapatan ang ending episodes ng Wansapanataym Presents My App Boyfie na pinagbibidahan nina James Reid, Dominic Roque, at Nadine Lustre dahil nagti-trending ito linggu-linggo.

Sa huling dalawang episode ngayong weekend (Oktubre 25 at 26) ng My App Boyfie, mawawalay na si Anika (Nadine) sa nilikha niyang “app boyfriend” dahil sa pagkuha ng kanyang tiyahin na si Stella (Cherie Gil) sa computer tablet na nagkokontrol dito nang matuklasan ng lahat ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Joe (James).

Kaabang-abang kung ano ang gagawin ni Anika kapag nakalimutan siya ni Joe dahil sa pakikialam ni Stella sa application na lumikha rito. Maibalik pa kaya niya ang alaala ng kaisa-isang lalaki na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal o tuluyan na itong mabubura sa buhay niya?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tampok din sa Wansapanataym Presents My App Boyfie sina Malou Crisologo, Ingrid dela Paz, Jazz McDonald, Marco Pingol, at Elise Joson. Bahagi rin ng programa bilang guest stars sina Isabel Oli at Alex Castro mula sa panulat ni Noreen Capili at sa direksyon ni Jojo Saguin.

Susunod na episode sa Wansapanataym ang reunion nina Kathryn Bernardo at Khalil Ramos na nagsama sa Princess and I. Ano kayang reaksyon ng fans ng KathNiel dahil wala ang reel/real boyfriend ng dalaga?