Agad na mag-iinit ang aksiyon ngayong umaga sa pagitan ng mahigit na 1,200 batang kampeon mula sa panig ng Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region (NCR) sa paghataw ng pinakaaabangang 27th MILO Little Olympics National Finals 2014 sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

Inaasahang magsasagupa ang pinakamagagaling na kabataang atleta sa paglalabanang 13 isports na binubuo ng athletics, badminton, basketball, football, gymnastics, lawn tennis, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, chess, sepak takraw at scrabble sa tatlong araw na torneo na nagsimula kahapon at magtatapos sa Oktubre 26.

Muling nakatuon ang pansin ng lahat sa Team NCR na nagawang iuwi ang back-to-back overall championship at ang misyon nila ngayon ay masungkit ang ikatlong sunod na kampeaonto at hablutin ang MILO Little Olympics Perpetual Trophy.

Gayunman, inaasahang mahihirapan ang Team NCR bunga na rin ng maigting na paghahanda ng unang naging grandslam champion na Team Visayas kung saan ay

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

nagpapakita ng kaseryosohan sa mismong pagbubukas pa lamang ng torneo.

Ipinamalas ng Team Visayas ang organisadong pagpaparada sa ginanap na opening ceremonies upang ipadama sa mga katunggali ang marubdob nilang hangarin na muling tanghalin na kampeon.

Sinimulan ang opening ceremony sa kaaya-ayang awitin mula sa Sta. Elena Chorale na sumaliw sa tradisyunal na parada ng mga atleta na kasama ang Philippine flag, colors at escorts, MILO flag, National Executive Board, Local Organizing Committee, Tournament Managers at ang athletic delegation at officiating officials.

Masayang tinanggap ni Marikina Mayor Del De Guzman ang lahat ng mga kalahok at maging ang mga nanood bago nagbigay ng kanyang inspirational message ang regional director ng Department of Education-NCR na si Dr. Luz Almeda.

Itinaas ng cadet officers na mula sa Our Lady of Succor College ang mga bandila bago ang presentasyon ng 2014 Trophy at Torch Relay at Lighting ng MILO Unity and Friendship Flame.