Oktubre 24, 1992 nang sa unang pagkakataon ay nanalo ang isang non-American baseball team sa World Series (for baseball) championship.
Tinalo ng Canada-based Toronto Blue Jays ang Atlanta Braves sa ikaanim na laro ng World Series. Ito ay naging pandaigdigang tagumpay para sa koponan na may ilang Puerto Rican, Jamaican, at tatlong Dominican mula sa 25-miyembro ng Blue Jays.
Sa Game 6, naghabol ng isang run ang Atlanta Braves pagkatapos ng walong puntos, ngunit nagawa nitong bumawi at maitabla ang laban at naglaan pa ng karagdagang puntos. Ngunit ang 41-anyos na si Dave Winfield ng Blue Jays ay nagkaroon ng 3-2 pitch down sa left-field line, at nagkaroon ng tiyansa ang dalawa sa kanyang mga team mate na maka-home base.
Inilarawan ng Toronto Blue Jays ang championship series bilang “climactic.”