Mga Laro ngayon: (Marikina Sport Center)

7:00 p.m. PNP vs Uratex

8:30 p.m. Sta Lucia Land vs Kawasaki-Marikina

Kumolekta ng 15 puntos, 5 assists at 3 rebounds si Willie Miller para pangunahan ang Siargao Legends, 76-70, laban sa Team Mercenary ni playing coach Nic Belasco sa pagpapatuloy ng 4th DELeague Invitational Basketball Tournament noong Martes ng gabi sa Marikina Sports Center, Marikina City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang two-time Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Miller at si Belasco ay naglaro sa unang pagkakataon sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del de Guzman.

Nagtala din ang dating PBA player na si Celino Cruz ng 11 puntos at 4 assists para sa Siargao Legends.

Umiskor naman ng 10 puntos at 7 rebounds si Belasco at nag-ambag ng 15 puntos at 4 assists si Don Dulay para sa Team Mercenary.

Sa isa pang laro, nilunod ng Sealions ang Cars Unlimited, 77-73, para sa unang panalo nila sa ligang sinusuportahan din ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, CLJ Properties, PSBank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mickies Equipment Sales and Rental, Tutor 911, at Toyota Motors Marikina.

Ang mga laro sa DELeague ay itinakda tuwing Martes, Huwebes, Sabado at Linggo. Ang ticket ay mabibili sa halagang P10 lamang.