SEOUL, South Korea (AP)— Sinabi ng Defense Ministry ng South Korea na ipinatumba nito ang 43-anyos nang frontline Christmas tower na itinuturing ng North Korea na isang propaganda warfare.
Isang opisyal ng ministry ang nagsabing ang higanteng steel tower ay sinira noong nakaraang linggo dahil ito ay nakitang mapanganib sa huling safety checks. Tumanggi siyang pangalanan dahil sa office rules.
Itinigil ang South Korea ang pagpapailaw sa tore noong 2004 sa pagbuti ng relasyon sa North Korea. Ngunit noong 2010 at 2012 sa muling pag-init ng tensiyon sa North ay muli itong pinailawan ng South.