SA presscon ng Dilim noong Biyernes ay natatawa kami kay Kylie Padilla dahil binibiro niya ang leading man niyang si Rayver Cruz habang tinutukso silang dalawa ng reporters. Paalis nga kasi papuntang Australia si Rayver para sa Kapamilya show doon.

Rayver CruzSabi ni Kylie sa binata, “Wow, have fun, maraming nakahubad do’n, kasi surfing country siya at sobrang laid-back ng mga tao.”

Natatawang naiiling naman si Rayver sa sinabi ng leading lady niya at sabay tanong kung ano ang gustong pasalubong ng dalaga, “Hmmm, kangaroo!”

“Bahala na, hanap ako doon, bahala na kung ano, hindi naman mahirap pasalubungan ‘to (sabay tingin kay Kylie). Hindi naman siya mahirap pasayahin,” nakangiting sabi ni Rayver.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Natanong si Kylie sa harap ni Rayver tungkol sa pahayag ng Papa Robin Padilla niya na kung pupuwede ay huwag muna siyang magbo-boyfriend at asikasuhin muna ang career at higit sa lahat, Muslim din dapat ang maging karelasyon ng dalaga.

Ang mabilis na sagot ng bida ng Dilim, “Kung si Papa po ang papipiliin, Muslim po talaga at pinapakinggan ko naman po lahat ng sinasabi ni papa, pero gagawin ko pa rin naman ‘yung gusto ko sa ngayon, saka gusto kasi ni Papa, walang boyfriend-boyfriend sa Muslim, e, gusto asawa agad. So, sa ngayon career muna para makaiwas muna sa sermon niya.”

May nagkuwento rin mula sa kampo ng mag-amang Kylie na, “Parating napapagalitan ni Robin si Kylie, hindi naman pasaway si Kylie, napakabait na bata niyan, masunurin, siguro talagang sinasabi lang niya kung ano ang nasa loob niya. Very vocal ‘yan, hindi ‘yan showbiz.”

Nakikinig naman ng husto si Rayver nu’ng ipaliwanag ni Kylie ang mga dahilan kaya hindi na muna siya magbo-boyfriend ngayon.

Kaya nang tanungin namin ang binata tungkol sa dalaga kung may posibilidad bang ligawan niya ito ay napangiti lang si Rayver.

Pero aminado ang aktor, “Mahirap, Ate Reggee.” At sa tanong kung willing siyang magpalit ng relihiyon kung sakali, “Hindi naman.”

Samantala, hindi nakarating si Rayver sa ginanap na premiere night ng Dilim sa Trinoma Cinema 7 noong Lunes ng gabi dahil nasa Australia siya.