PANIQUI, Tarlac - Pitong malulusog na kambing ang nabawi mula sa umano’y kilabot na goatnapper na naaresto kamakailan sa Barangay Burgos, Paniqui, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Julito Reyno ang nadakip na si Edmund Calumpiano, 44, ng Lacayanga Subdivision, Bgy. Coral, Paniqui, Tarlac, na sinasabing nambiktima kay Consolacion Valdez, 68, may asawa, ng Bgy. Marawi sa Camiling.

Unang iniulat ni Valdez sa pulisya na nawawala ang lima niyang kambing na nagkakahalaga ng P18,000.

Tinangay din umano ni Calumpiano ang alagang kambing nina Ramon Placido, 48, ng Sitio Bagcoc, Bgy. Abogado; at Carlos Silastre Jr., 53, ng Bgy. Burgos, Paniqui, Tarlac.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20