Agaw-buhay ang isang mister makaraang saksakin ng lalaki na inagawan nito ng asawa sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Valenzuela City Medical Center si Emelio Eugenio, 50, ng No. 107 Martin Street, Barangay Santolan ng nasabing lungsod sa malalim na saksak sa tiyan at dibdib ng suspek na si Etoy Aguilar, nasa hustong gulang ng San Diego Street, Barangay Santolan.

Ayon sa report, bandang 9:30 ng gabi sa San Diego Street, Malabon City, pababa sa kanyang motorsiklo ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at inundayan siya ng saksak.

Nabatid na nagtanim ng galit si Aguilar kay Eugenio nang iwanan siya ng kanyang misis para sumama sa biktima.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20