Kinuwestiyon ng United Nationalist Alliance (UNA) ang umano’y maanomalyang pagbili ni Senator Antonio Trillanes IV sa mga multicab na pinondohan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mambabatas mula 2011 hanggang 2013.

Binanatan ni UNA Interim Secretary General Atty. JV Bautista si Trillanes sa overpriced umanong multicabs na ipinakalat sa buong bansa gamit ang kanyang PDAF allotment. Matatandaan, aniya, na tumanggi si Trillanes na isuko ang kanyang PDAF sa kabila ng sigaw ng publiko na huwag gamitin ang P200 milyong pork barrel fund na inilaan sa mga senador.

Ayon kay Bautista bumili si Trillanes ng mga multicab na nagkakahalaga ng P300,000 bawat isa.

“Sabi ni Sen. Trillanes sa Senado, overpriced daw ang P200,000 na presyo ng multicab. Eh, yung mga binili ni Trillanes mismo na multicab mula sa kanyang PDAF mas malulula ka sa presyo, at tumataginting na P300,000 per unit. Ano yun fully-loaded?” tanong ni Bautista.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Mariing tumanggi si Trillanes na alisin ang kanyang PDAF kahit galit na ang publiko dahil sa P10 billion pork barrel fund scam.

Aniya ang sticker price para sa isang 4X4 four-wheel drive, brand new multicab ay P160,000 samantalang halos P140,000 ang presyo ng multicab ni Trillanes.