Paulo Avelino

SABI ni KC Concepcion, wala pa sa puntong “sila na” nga ni Paulo Avelino pero hindi niya itinanggi ang sobrang closeness nila ngayon.

Hindi raw naman hanggang diyan lang ang relasyon nila ni Paulo dahil hindi niya tuluyang isinasara ang puso niya para sa binatang ama.

Dagdag pa rin ni KC, hindi niya itinatago na isa si Paulo sa mga super best friend niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Maganda ang friendship namin ni Paulo. Totoong-totoo. Wala man kaming project together but we are very very good friends,” sey pa rin ng kaagaw ni Kim kay Coco sa seryeng Ikaw Lamang.

Umaasa ang panganay ng megastar na forever na ang susunod niyang karelasyon. Kaya sinisigurado niya na kapag nag-commit na siya sa isang tao ay tuluy-tuloy na.

“Hindi pa namin napag-uusapan kung ano ‘yung meron kami. Whatever we have now, we are happy that way,” banggit niya.

Aniya, sweet and very thoughtful person si Paulo Avelino. Inamin din niya na talagang inalagaan siya nang husto ni Paulo nang maospital siya.

“‘Yun ang sincerity na hindi mo talaga p’wedeng dayain. Kasi when you’re sick, at nasa ospital ka, parang ang lungkot. Parang lahat ng tao hindi alam kung bibisitahin ka or hindi. Siya, no questions asked. Talagang andu’n siya,” sabi pa ni KC Concepcion.

Samantala, ayon sa nakausap naming malapit sa dalaga, na kasama niya nang mag-guest siya last Sunday sa The Buzz nina Boy Abunda at Kris Aquino, malapit na malapit na raw umamin sina KC at Paulo.

Ha? Kailangan pa ba ‘yun?