Bono

LONDON (AP) – Inamin ng U2 front man na si Bono na hindi rock star habit ang lagi niyang pagsusuot ng sunglasses kundi dumaranas siya ng glaucoma nitong 20 taon nang nakalipas.

Dahil sa glaucoma — o ang buildup ng pressure na maaaring makapinsala sa optic nerve — nagiging sensitibo ang mata sa liwanag.

Sinabi ni Bono sa panayam sa kanya sa Graham Norton Show ng BBC na bagamat taglay niya ang sakit, “I have good treatments and I am going to be fine.”

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Aniya, inaasahan na niyang ituturing na siya ngayon ng mga tao bilang “poor old blind Bono.”

Inamin din niya na batid niyang marami ang nainis nang aksidenteng maipadala ang bagong album ng U2 na Songs of Innocence sa milyun-milyong tao na may account sa iTunes.

Sa mga komentong inilabas ng BBC noong nakaraang linggo, sinabi ni Bono na, “We wanted to do something fresh, but it seems some people don’t believe in Father Christmas.”