Oktubre 20, 1927, nang maimbento sa United States of America ang electrical machine na nagtataglay ng mabilis na pagiisip, at ito ay kinilala sa tawag na “Product Intergraph.”

Inimbento at binuo ang nasabing machine sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) ni professor Vannevar Bush, ito ay may kakayahang magresolba ng equation na maging ang mga engineer ay nahirapan na masagutan.

Nasubukan ang kakayahan ng machine na ito na magresolba ng mahihirap na equation. Tumatagal ng walong minuto hanggang ilang oras para ito ay masagutan ng machine.

Sa isang artikulo sa Brooklyn Daily Eagle, sinabi ng MIT na ang “Product Intergraph” ay may kakayahang tumulong sa mga engineer para magkaroon ng mas tama at mas mabilis na electrical theory.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho