Hindi umano 100 porsiyentong kumpiyansa si Health Secretary Enrique Ona sa kakayahan ng mga thermal scanner sa pagsala ng pasaherong posibleng carrier ng iba’t ibang virus, partikular ng Ebola Virus Disease (EVD).

Ang thermal scanner ay ang equipment na inilalagay sa mga paliparan at daungan at may kakayahang tukuyin ang temperatura ng isang tao sa isang partikular na distansiya.

Ito rin umano ang mag-aalerto sa mga quarantine official para sa mga flu-like symptom ng mga dumarating na pasahero.

Paliwanag ng kalihim, maaari kasing pumalya o may ma-miss at malagpasan ang thermal scanner ang pasahero, na posibleng carrier ng sakit, partikular ng Ebola, na pumatay na sa mahigit 4,500 katao sa mundo.
Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador