Dumating na sa bansa ang 52 overseas Filipino worker (OFW) mula sa Libya sa nakalipas na dalawang araw, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa ulat, dakong 4:40 ng hapon noong Sabado nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang unang grupo ng 32 OFW sakay ng flight EK 332, at bandang 10:30 ng gabi kahapon nang lumapag sa airport ang 20 OFW lulan ng flight EK 334.

Sinalubong naman ng OWWA Repatriation Assistance Team sa paliparan ang mga dumating na OFW upang alalayan ang mga ito na mapabilis ang proseso ng kanilang travel document sa mga counter ng Customs at Immigration.

Pansamantalang tumuloy sa Halfway House ng OWWA sa Pasay ang mga OFW na walang sumundong kaanak habang ang mga nakatira sa Metro Manila ay ihahatid sa kanikanilang destinasyon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nitong Oktubre 13 ay naayudahan ng OWWA ang kabuuang 4,245 OFW mula sa Libya simula nang magkaroon ng civil war sa naturang bansa.