CLEVELAND (AP)- Nagsalansan sina Chandler Parsons at Jameer Nelson ng tig-19 puntos upang tulungan ang Dallas Mavericks sa panalo kontra sa Cleveland, 108-102, at ipagkaloob sa Cavaliers ang kanilang unang pagkatalo sa preseason kahapon.

Nag-ambag si Dirk Nowitzki ng 16 puntos at 9 rebounds para sa Mavericks, umatake mula sa kanilang starters sa fourth quarter nang papagpahingahin ng Cavs sina LeBron James at Kyrie Irving.

Hindi naglaro si Kevin Love sa ikatlong exhibition ng Cleveland sa loob ng apat na laban.

Nagbalik si Irving sa lineup, matapos na ‘di ito nakita sa aksiyon sa tatlong mga laro sanhi ng tinamong sprained right ankle, kung saan ay pinamunuan nito ang Cleveland na taglay ang 23 puntos. Nagtala si Tristan Thompson ng 17 habang ipinoste ni James ang 12 bago pinagpahinga sa fourth quarter.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Umungos ang Dallas mula sa outset, binuksan ang 16-point lead sa unang half.

Ikinadismaya ng Cavs ang malamyang shooting kontra sa zone defense ng kalaban kung saan ay lumamang pa sila ng 3 puntos sa huling 2 minuto ngunit ‘di nasawata si Brandan Wright upang balikatin ang pag-atake ng Mavericks.

MAGIC 99 PISTONS 87

ORLANDO, Fla. (AP)- Umiskor si Tobias Harris ng 22 puntos at 9 rebounds, habang nag-ambag si Nik Vucevic ng 18 puntos upang talunin ng Orlando Magic ang Detroit Pistons, 99-87.

Hindi napag-iwanan ang Magic kung saan ay itinayo nila ang 19-point, first-half lead. Isinara ng Pistons sa 1 puntos na pagka-iwan na lamang ang laro sa third quarter, subalit kinokontra ng Magic ang bawat buslong isinasagawa ng Detroit.

Nahadlangan nila ang Pistons sa 23-13 sa final period at tinapos ang laro na taglay ang 9-for-20 mula sa 3-point line.

Pinamunuan ni Greg Monroe ang Detroit sa ikinasang 24 puntos at 10 rebounds.

Bago ang laro, tumanggap si Pistons coach Stan Van Gundy ng mga palakpakan mula sa Magic fans sa kanyang unang pagmamando sa Amway Center simula nang ito’y sibakin ng Orlando matapos ang 2011-2012 season.

Makakatagpo ng Magic ang Philadelphia ngayon sa Allentown, Pennsylvania, habang ang Pistons ay makikipaggitgitan rin sa Atlanta.