Sino si Private First Class Joseph Scott Pemberton? Sino si Jeffrey Laude, alyas Jennifer? Sino si Lance Corporal Daniel Smith? Sino si Nicole? Kung hindi ninyo alam, sila ang mga pangunahing karakter na sangkot sa kontrobersiya ng ugnayang Pilipinas-Amerika sa Visiting Forces Agreement.

Akusado si Pemberton sa pagpatay kay Laude, isang transgender, sa Subic. Siya ay isang US marine na kasama sa military exercises na naghahanap ng aliw matapos ang tungkulin. Nakilala si Jennifer sa isang club at nagkasundong pumasok sa isang motel na humantong sa krimen. Si Smith ay kasama rin sa military exercises noong 2005 na naghanap ng aliw at ang napagtuunan ay si alyas Nicole na ginahasa niya umano sa loob ng sasakyan. Naayos ang kaso ni Smith at ngayon ay nasa Amerika na si Nicole bilang “pabuya” sa pagbawi ng kaso laban kay Daniel.

Ngayon, nayuyugyog na naman ang Visiting Forces Agreement ng PH-US dahil sa patayan sa Subic na sangkot sina Pemberton at Jennifer. Ang dahilan, ayon sa kaibigan kong palabiro pero sarkastiko, ay bunsod marahil ng pagkakatuklas ni Pemberton sa kama na si Jennifer pala ay hindi tunay na babae at walang inaasahan niyang magbibigay-aliw sa kanyang uhaw na pagkalalaki.

Kamakailan ay nagpunta ako sa Amerika para dalawin ang anak ko sa Queens, New York City. Iisa ang katanungang laging ipinupukol sa akin ng mga Fil-Am na nagtatrabaho roon: “Talaga bang puro corrupt ang mga pulitiko at lider ng Pilipinas”? Sinusubaybayan pala nila ang nangyayari sa Pinas hinggil sa katiwalian at kabulukan sa mga sangay ng gobyerno, partikular sa Kongreso, PNP, DBM, BOC, LTO, LTFRB, DPWH at iba pa. Ayaw nila akong tantanan!

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tiniyak ni Speaker Feliciano Belmonte na bibigyan ng Kamara ng special powers si PNoy para mapigil ang power crisis sa darating na summer sa 2015. Sige po, mga kongresista bigyan ninyo siya ng kapangyarihan para maiwasan ang “naspu-naspu” ng mga babae at lalaki magkakaamuyan sa siksikang MRT-3, bus, jeep at UV Express.