BANGUED, Abra – Nababahala ang provincial election supervisor sa Abra matapos siyang makatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Nabatid kay Senior Supt. Albertlito Garcia, officer in charge ng Abra Police Provincial Office, nagtalaga siya ng security personnel para kay Atty. Marychelle Belmes, election officer at masusi ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nagbabanta sa buhay nito.

Personal na nagtungo si Belmes sa Bangued Municipal Police para ipa-blotter ang natanggap niyang tawag na nagsasabing nasa listahan umano siya ng mga personalidad sa Abra na planong patayin.

Ayon sa pahayag ni Belmes sa pulisya, tumawag din ang kanyang ina at sinabing may umaaligid na naka-motorsiklo sa labas ng kanilang bahay.

Probinsya

Mag-asawang sakay ng motorsiklo, patay sa ambush; anak himalang nakaligtas

Sinabi ni Belmes na wala siyang personal na kaaway kaya naniniwala siya sa posibilidad na may kinalaman ito sa iniimbestigahan nilang dalawang beses na pagrerehistro at pagboto noong 2013 ng isang Fatima Yawayaw sa Barangay Caganayan sa Tineg. - Rizaldy Comanda