PHNOM PENH, Cambodia (AP) — Binuksan ang unang paglilitis sa mga kaso ng genocide laban sa brutal na 1970s Khmer Rouge regime ng Cambodia noong Biyernes at sinabing isang prosecutor na ipakikita nito na ang mga Cambodian ay inalipin sa hindi makataong paraan na nauwi sa pagkamatay ng 1.7 milyong mamamayan dahil sa pagkagutom, sakit, at pamamaslang.

Sina Khieu Samphan, 83, ang head of state ng rehimen, at Nuon Chea, 88, kanang kamay ng lider ng komunistang grupo na si Pol Pot, ay tumanggap na ang habambuhay na pagkakabilanggo noong Agosto matapos mapatunayang nagkasala sa mga krimen laban sa sangkatauhan, kaugnay sa sapilitang paglipat sa milyun-milyong mamamayan sa kanayunan nang agawin nila ang kapangyarihan noong 1975. Inapela nila ang sentensiya.

Bukod sa genocide against minorities, ang ikalawang paglilitis at tatalakayin sa unang pagkakataon ang mga akusasyon ng paggagahasa at sapilitang pagpapakasal.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho