Hindi niyo ramdam? Parang ayaw tayo tantanan ng problema? di niyo batid? Hindi tayo nilulubayan ng mga suliranin na sa araw-araw, imbes humupa at malutas, lalo pang tumitindi? Nadaragdagan? Hal. Lokohan sa pagtaas ng kuryente, tubig, gasolina, bilihin at pamasahe; kumakapal na trapik, baha, basura, krimen, harapang patayan, droga; paglipana ng lahat ng uri ng katiwalian – pandarambong, pangungulimbat, nakawan sa pera ng bayan, at pakapalan ng mukha; West Philippine sea, dahil bumahag ang buntot at ayaw ayusin ng Pamahalaan ang depensa ng ating hukbo doon; katrayduran sa teritoryo ng sabah na kinamkam ng Malaysia; moro-moro sa Bangsa-MilF sa pagpayag na matapyasan ang lupain ng estado; humahabang pila sa MRT; mga pangunahing negosyo sa “bayan ni Juan” binebenta sa mga pamilyang malapit sa Palasyo; pagrabeng smuggling sa mga pwerto, at ulo nito mga Tsinoy na nagmamay-ari ng mall, supermarket, construction at building warehouse; pagsira sa ating kapaligiran sa pagmimina hal. black sand.
Andyan ang kapalpakan sa pamamahala ng gobyerno; hocus-PCOs; delubyo dulot ng kalamidad at bagyo. na bakit tayo pa ang nabuslo, porke may balat ang nakaupo sa Malakanyang? Mukhang sinakluban tayo ng malas kaya? O sadyang ang tinatahak na daan ay tungo sa kapahamakan ng bayan dahil ang hinahakbangan, lalo mismong sistema na naka tengga sa ating pamumulitika, may depekto sa mulat-mula pa? Kaya ba tuloy ang nahahaing mga kumakandidato kulang-kulang sa talento, kakayahan, karanasan, dunong, budhi, konsiensia, paninindigan, atbp. Mga katangiang dati-rati nagsilbing matayog na pundasyon ng batang republika noon?
Mahilig tayo mag-eksperimento ng kung ano-ano. Basta bago, kwela. at masubukan nga! nagsimula tayong dumausdos noong Martial Law. Lalo pa tayong nalunod ng pinalitan ang pormula ng kasaysayan – mas mahalaga ang puso kesa utak. Ows? Kumita na yan panahon ni Cory. Kaya ngayon, lunod tayo sa kumunoy ng suliranin at mga ampaw at pang jukebox king na mga senador/pangulo. ang tumpak na binhi sa ating katubusan ay -- utak at puso – (bonus na pag may paninindigan) sa pagpili ng mga pambansang lider; at kasabay nito, pagbuhay sa wastong 1935 Konstitusyon.