Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

4 p.m. – Systema vs RTU

6 p.m. – PA vs PLDT

Hindi pinaporma ng Cagayan Valley ang Meralco at winalis sa loob ng tatlong sets, 25-14, 25-20, 25-16, para sa kanilang ikalawang panalo sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 Foreign Reinforced Conference noong Martes ng gabi sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Muling nanguna para sa Lady Rising Suns ang dating UAAP at University of Santo Tomas (UST) standout na si Aiza Maizo Pontillas na nagtala ng 18 puntos, katulong ang dating San Beda College (SBC) ace na si Jannine Marciano na nagdagdag naman ng 12 puntos.

Kitang-kita ang pag-ungos ng Lady Rising Suns laban sa Power Attackers na pinaulanan nila ng hits, 42-20, bukod pa sa blocks kung saan ay nagposte sila ng 11 kontra sa pito lamang ng huli.

“Ang teamwork nandoon na ulit, ‘yung pinapractice namin sa training nakikita ko na sa game, na-eexecute namin ang ineensayo namin,” ani Cagayan coach Nes Pamilar.

Nagtala rin ang Cagayan ng pitong service aces kumpara sa dalawa lamang ng Power Attackers.

Kapwa naglaro ang dalawang koponan na wala pa rin ang kanilang foreign reinforcements na sina Pacharee Saengmuang at Amporn Hyapha para sa Cagayan at Wanida Kotruang at Misao Tanyama para naman sa Meralco.

Ngunit inaasahang makakapaglaro na ang apat na nabanggit na dayuhang manlalaro sa susunod na laro ng kanilang mga koponan dahil mayroon na silang ipapasang International Transfer Certificate na batay sa panuntunan ng FIVB.

Nanguna naman para sa Meralco na nalaglag sa kanilang ikatlong dikit na pagkatalo si Abby Marano na nagtala ng 10 puntos.

Samantala, sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon, tatangkain ng Philippine Army (PA) na mahablot ang kanilang ikatlong sunod na panalo para pagtibayin ang kanilang pagsosolo sa liderato sa pagsagupa nila sa PLDT Home Telpad sa ganap na alas-6:00 ng gabi.

Sa panig naman ng PLDT, tatangkain nilang makamit ang ikalawang panalo sa loob ng tatlong laro.

Una rito, makasalo sa liderato sa men’s division ang pag-aagawan naman ng Systema at Rizal Technological University (RTU) sa kanilang pagtutuos sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Magkasalo ngayon sa ikalawang posisyon ang dalawang koponan na taglay ang barahang 1-1, sa likuran ng namumunong Instituto Estetica Manila na may barahang 2-1 (panalo-talo).