ILAGAN CITY, Isabela – Muling binuo ang Isabela Provincial Peace and Order Council matapos magpalabas ng Executive Order ang gobernador sa layuning palakasin ang pangangasiwa sa kaayusan at higit na makatugon sa mga hinaing ng mga Isabeliño.

Ipinalabas ni Gov. Faustino Dy III ang Executive Order No. 30, upang susugan ang Executive Order No. 14, sa mga bagong kaanib ng peace and order council ng probinsiya.

Ang konseho sa bagong EO ay binubuo ng gobernador bilang chairman, nina Vice Gov. Antonio Albano, vice chairman; mga miyembro ng League of Municipalities, sa pamumuno ni Cabagan Mayor Rodlfo Albano Jr.; lahat ng alkalde, 5th Infantry Division ng Philippine Army, Isabela Police Provincial Office, at iba pang ahensiya ng gobyerno.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists