Tumangging magbigay ng komento ang Palasyo sa umano’y “Oplan Stop Nognog 2016” kung saan itinuturong utak si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas upang sirain ang kredibilidad ni Vice President Jejomar C. Binay.

Habang iginigiit na hindi sila namumulitika, sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na hindi na kailangang magbigay ng pahayag ang Palasyo dahil nagkomento na ang mga lider ng Liberal Party hinggil sa isyu.

 “Sa aking natunghayan sa lahat ng pahayagan, ay tumugon na diyan ang mga matataas na opisyal ng Liberal Party katulad ni Speaker (Feliciano) Belmonte, vice chairman; Representative (Mel Senen) Sarmiento, secretary-general; at palagay ko naman ay nabigyan na nila ng angkop na pagtugon ,” pahayag ni Coloma.

Una nang inakusahan ng United Nationalist Alliance ang kampo ni Roxas na nasa likod ng “Oplan Stop Nognog” upang madiskaril ang kandidatura ni Binay sa 2016.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Inilarawan ni UNA Interim Secretary General Atty. JV Bautista ang planong paninira laban kay VP Binay bilang “well-funded, well-financed, at well-organized conspiracy”.

Nang tanungin kung may mga tauhan ang Pangulo na sangkot sa black propaganda laban kay Binay, sinabi ni Coloma na wala itong natatanggap na impormasyon hinggil dito. - Genalyn D. Kabiling