Karapat-dapat lamang na makamit ni Earl Scottie Thompson ang pangunahing individual award sa NCAA Season 90 men’s basketball tournament – ang pagiging Most Valuable Player (MVP).

Ito’y matapos na manguna ng Altas guard sa statistical points sa pagtatapos ng 18 laro sa elimination round.

“Hindi naman counted ‘yung playoff sa statistical points for the season so bakit hindi puwedeng maging MVP si Thompson,” pahayag ng isang kilalang basketball star na produkto rin ng NCAA ngunit hindi na nagpabanggit ng pangalan.

“Magaling ‘yung bata at pinaghirapan nya yun, so why are you going to deny him with the award thjat he truly deserves?” dagdag pa nito.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Umugong ang mga usap-usapan na nalagay sa alanganin ang posibleng pagkapanalo ni Thompson ng MVP trophy ngayong taon kasunod ng kanyang mababang performance sa naganap na playoff for third place nila ng season host Jose Rizal University para sa Final Four round.

“Kung tutuusin nga, dapat hindi na nilaro ‘yun, dinaan na lang sa quotient. No bearing na ‘yun dapat, kaya lang they want to settle the tie in the hardcourt,” ayon pa sa beteranong player.

Nagtala lamang si Thompson ng 5 puntos, lubhang malayo sa kanyang average na 17.4 puntos at siyam na rebounds sa nakaraang 79-82 pagkatalo nila sa Heavy Bombers sa kanilang playoff.

Ngunit hindi iyon sapat upang mabura ang kanyang naiposteng averages na kinabibilangan din ng 11.4 rebounds, 5-8 assists at 1.7 setals na tinampukan pa ng kanyang natatanging dalawang season triple-double.

Kahit ang kanyang coach na si Aric del Rosario ay na niniwalang karapat-dapat si Thompson na maging MVP.

“Deserving si Scott. Kung last year, walang pinakita, ngayon na-prove niya na meron pa pala siyang ibubuga,” ayon pa kay del Rosario sa naunang panayam dito na nalathala sa Spin.ph patungkol sa kanyang manlalaro ang tubong Digos City, Davao del Norte.