MINA, Iloilo – Bagamat wala pa ring inihahayag na standard bearer ang Liberal Party (LP) para sa halalan sa 2016, inendorso na ng mga opisyal ng Iloilo si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel “Mar” Roxas II.

Inendorso ni Iloilo Gov. Arthur Defensor Sr. ang kandidatura ni Roxas nang dumalo ang kalihim sa pre-fiesta celebration ng Mina nitong Sabado.

Dumalo sa pagtitipon ang mga pangunahing lider pulitiko sa Iloilo, Iloilo City at iba pang bahagi ng Panay Island at pawang nagpahayag ng suporta ang mga ito kay Roxas.

Inaasahan nang susuportahan ng mga Ilonggo si Roxas dahil dugong Ilonggo rin ito. Ang lolo niyang si dating Pangulong Manuel Roxas ay nagmula sa Roxas City sa kalapit na Capiz.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tumanggi ang kalihim na magkomento sa pag-endorso. - Tara Yap