SEOUL (AFP) – Nagbabala kahapon ang North Korea sa posibilidad na mabigo ang pinaplano nitong diyalogo sa South Korea kasunod ng paglulunsad ng anti-Pyongyang propaganda leaflets na nagbunsod ng pagpapalitan ng pagatake.

Nagkasundo noong nakaraang linggo ang dalawang bansa na ipagpapatuloy ang pormal na diyalogo na pitong buwan nang naunsyami, at marami ang umasang magkakasundo na ang mga ito.

Ngunit nagkabarilan noong Oktubre 10 ang dalawang bansa sa kanilang hangganan nang tangkain ng mga tropang North Korean na barilin ang mga lobo na may leaflets na pinalipad ng mga aktibistang South Korean.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente