HABANG naglalaba ako isang Sabado ng umaga, itinodo na naman ng aking kapitbahay ang volume ng kanyang radyo. Pero hindi naman ako nagalit dahil kinakanta ni Ginoong Rey Valera ang isa sa paborito kong awitin niya: “Ayoko na sa ‘yo, nasasakyan mo ba? Problema ka lang sa akin. Ayoko na sa ‘yo, ako’y litung-lito, puro sakit ng ulo… O, inaamin kong totoo, ako ay umiibig sa iyo. Ngunit talagang sukong-suko ako, ‘di bale na, ‘di bale na.” Ayon sa kanta, hindi na nakayanan ng lalaki ang ugali ng kanyang girlfriend kaya iniwan na niya ito. Isa lamang iyan sa magaganda at madamdaming love songs ng ating panahon.
Bakit kaya halos lahat ng kanta ay tungkol sa pag-ibig? Siguro, sa musika natin naipahahayag ang ating pinakamalalalim na damdamin, at taglay nating lahat ang paghahangad na umibig at ibigin. Ngunit talaga ba nating mararanasan ang pag-ibig na hindi nagbibigay ng kabiguan, na hindi kumukupas, na hindi nang-iiwan?
Walang sinoman ang magmamahal sa atin nang buongbuo, kumpleto, perpekto, at wagas magpakailan man. Limitado lamang tayo sa ating pagkatao at laging makasalanan. Ngunit higit sa lahat ng klaseng pag-ibig ang pag-ibig ni Jesus. Ipinakikita Niya sa atin ang larawan ng tunay na pag-ibig.
Ang pag-ibig ni Jesus ay hindi katulad ng pag-ibig ng tao na napapagod o nagsasawa na sa paulit-ulit nating masasamang pag-uugali at mga gaw. Mapagpasensiya si Jesus. Hindi Niya uungkatin ang ating mga nagawang kapalpakan at kabiguan noon at gamitin ang mga iyon laban sa atin. Pinatatawad at kinalilimutan Niya ang ating mga kasalanan. Hindi kailanman mabibigo si Jesus sa pagtatanggol sa Kanyang mga minamahal. Dahil sa laki ng pagmamahal Niya sa atin, gagawin Niya ang lahat ng mainam para sa ating kapakanan.
Sa tingin mo ba, masasabi sa iyo ni Jesus na “Ayoko na sa ‘yo”? Bibitiwan ka ba Niya at sasabihing “Paalam na”? Siyempre hindi! Kasi hindi iyon ginagawa ng Tunay na Pag-ibig. “Huwag kang mag-alala, may