TORONTO (AP)- Nagposte sina Kyle Lowry at DeMar DeRozan ng tig-18 puntos, habang nag-ambag si Patrick Patterson ng 17 upang tulungan ang Toronto Raptors sa panalo kontra sa Boston, 116-109, kahapon at ipagkaloob sa Celtics ang kanilang unang pagkabigo sa tatlong preseason games.

Pinamunuan ni Avery Bradley ang Boston na taglay ang 22 puntos habang nagsipagtala sina Marcus Thornton ng 19 at Brandon Bass ng 14.

Kapwa umiskor sina Amir Johnson at Greivis Vasquez ng tig-13 kung saan ay kinuha ng Raptors ang control matapos ang 12-0 run sa kalagitnaan ng fourth, hinadlangan ang Boston sa 29-16 huling quarter.

Nagbalik si Toronto guard Terrence Ross sa starting lineup makaraan itong papagpahingahin noong Miyerkules sa kanilang pagkatalo sa Sacramento sanhi ng sore right knee, habang si Patterson (right hand, right knee) ay naglaro sa unang pagkakataon sa tatlong nakalipas na preseason games.

Probinsya

Tindero ng isda, ninakawan ng halos <b>₱30k matapos makatulog sa harapan ng palengke</b>

Hindi nakapaglaro si center Greg Stiemsma, nagtamo ng concussion noong Miyerkules, nang ‘di ito nakapasa sa league-mandated test. Muling susuriin si Stiemsma ngayon.

Bago ang laro, sinabi ni Celtics coach Brad Stevens na nagsimulang magpartisipa si injured guard Rajon Rondo (broken left hand) sa non-contact practice drills. Sinabi rin ni Stevens na magkakaroon din siya ngayon ng update kay center Vitor Faverani, pawing naimintis ang lahat ng training camp sanhi ng tinamong sore left knee.

Wala sa hanay ng Boston si forward Jeff Green (left calf) at guard James Young (left hamstring).

Muling magtatagpo ang dalawang koponan sa Huwebes sa Portland, Maine.