KALIBO, Aklan - Isang antigong imahen ng San Antonio De Padua ang ninakaw ng mga hindi nakilalang suspek sa isang kapilya sa Barangay Estancia, Kalibo.

Ayon kay Amparo Meren, coordinator ng Capilla De San Pablo, posibleng gabi ng Oktubre 7 nang ninakaw ang nasa 100-anyos nang imahen pero Miyerkules na ng hapon naiulat sa pulisya ang insidente.

Ito na ang ikalawang beses na ninakawan ang kapilya; antigong imahen naman ng San Pablo ang tinangay mula sa kapilya noong nakaraang taon.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20