Hablutin ang unang ginto ng Pilipinas ang asam ng 41-katao ng Philippine Sports Association for the Differently Abled—National Paralympic Committee of the Philippines (PhilSPADA-NPC Philippines) sa pagsabak sa 2nd Asian Para Games na gaganapin sa Incheon, Korea.

Nakatakdang umalis ang delegasyon sa Oktubre 16 na ang hangarin ay malampasan ang malamyang kampanya ng Pilipinas sa katatapos lamang na 17th Asian Games sa torneong gaganapin sa Oktubre 18-24.

Ang koponan ay binubuo ni Isido Vildosola sa athletics (800m at 1500m), Arman Dino (100m, 200m at 400m), Andy Avellana (long jump at high jump), Joel Balatucan (shot put, discus throw, javelin throw), Prudencia Panaligan (100m, 200m, 400m), Sixto Ducay (400m, long jump), Ruth Opena (100m, 200m, 400m), Jeanette Acebeda (shot put, discus throw), Jerrold Pete Mangliwan (100m), Raul Angoluan (800m), Marites Burce (shot put, discus throw at javelin throw, Evaristo Carbonel (discus throw) habang guide naman si Roel Ano.

Sasabak sa badminton si Basil Anthony Hermogenes sa single (SL4) habang sa cycling sina Arthus Bucay (Road Race, Mixed Road Time Trial) kasama si Godfrey Taberna.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Lalahok si Genner Padilla sa judo (Men Up 73kg) habang sa powerlifting sina Adeline Ancheta (Women Over 86kg.), Achelle Guion (Women Up 45kg.), Agustin Kitan (Men Up 59kg.) at Marydol Pamati-an (Women Up 41kg.) Lalangoy naman si Ernie Gawilan sa 50m freestyle, 100m freestyle, 400m freestyle, 100m backstroke, 100m butterfly, 200m individual medley kasama si Gary Bejino sa 50m freestyle, 100m freestyle, 400m freestyle, 100m backstroke, 50m Butterfly, 100m breaststroke, 200m individual medley.

Kasama rin lalangoy si Remegio Lobos (50m freestyle, 100m freestyle, 200m freestyle, 100m breaststroke) at si Roland Sabido (50m freestyle, 100m freestyle, 400m freestyle, 100m backstroke, 100m breaststroke, 200m individual medley).

Sasabak naman sa table tennis sina Ruben San Diego, Rufo Tablang, Samuel Matias, Angelito Guloya, Francisco Ednaco, Noel Espanol, Kim Ian Chi, Jaime Manginga, Partick Gerard Eusebio, Josephine Medina, Darwin Salvacion, Benedicto Gaela Pablo Catalan Jr., Smith Billy Cartera, Julius Jun Obero at Rochelle Canoy.

Ang 2014 Asian Para Games ang kasunod na aktibidad para sa may mga kapansanan matapos ang Asian Games. Ito ang ikalawa lamang na pagkakataon na isasagawa ang Asian Para Games matapos na unang ginanap noong 2010 sa Guangzhou, China.