Narito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa kung ano ang maaari mong gawin kapag wala ka nang magagandang ideya. Nawa ay nakaambag ang naging artikulo natin sa pagngangalap mo ng magagandang ideya...
- Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga katunggali. - Kapag nag-walk out ka, hindi ibig sabihin niyon na tinatalikuran mo nang tuluyan ang iyong ginagawa. Ito ang iyong pagkakataon na repasuhin
ang iying mga nagawa at alamin ang iyong estado sa kompetisyon. Ano ba ang ginagawa nila kung bakit sila nangunguna? anong mayroon sila na wala ako? Pag-aralan mo ang iyong mga kakumpetensiya sa kung paano sila nakahahanap ng iba’t ibang paraan upang manguna sa industriya. Sa ganoong paraan ka makakukuha ng mga ideya upang manguna ka rin sa sarili mong paraan.
- Tumingin ka rin sa labas ng iyong industriya.- Maraming industriya ang halos hindi na dumudungaw sa kanilang mga bintana upang alamin ang nagyayari sa daigdig. Kapag nangyayari iyon, nagre-recycle lang ng mgaaideya ang mga industriya kung kaya walang nangyayaring pagbabago. Ilan sa maiinam na pagbabago ay kapag nagsanib ang mga ideya ng dalawang industriya. Mahalaga ang pag-aralan ang operasyon ng iba pang industriya sa daigdig upang maging tuluy-tuloy ang pagbuhos ng mga ideya.
- Hindi mo alam kung kailan o saan darating ang inspirasyon. - Dumarating ang mga ideya kahit anong oras, kahit anong lugar. Hindi mo alam kung kailan ka magkakaroon ng napakagandang ideya at hindi mo iyon sasayangin. Magagamit mo ang notepad feature ng iyong cellphone o tablet kapag nagkaroon ka ng inspirasyon. Doon mo isulat ang mga dumarating na mga ideya upang hindi mo malimutan. Minsan kapag nagkaroon ako ng ideya habang naglalakad ako sa mall, tumatayo ako sa isang tabi, kukunin ko ang aking cellphone at ite-text ko iyon sa aking email address. Dumarating ang mga ideya nang hindi mo inaasahan kaya mas mainam na nag maging handa. Lahat tayo ay nakararanas na parang inabandona na ng pagkamalikhain. Huwag mag-panic kung kinakapos ka sa magagandang ideya. Ang kailangan mo lang gawin ay tanggalin ang mga hadlang sa iyong isip.