Makadiskubre ng mga de-kalidad na bagong talento at salain nang mabuti ang pinakamagagaling na atIeta na magiging bahagi ng pambansang koponan ang pagtutuunan sa gaganaping 2015 Philippine National Games (PNG).

Ito ang pagbabagong iimplementahan ng nag-oorganisang Philippine Sports Commission (PSC) base na rin sa plano ni Chairman Richie Garcia na makahanap ng mga potensiyal na atleta at marebisa ang mga sports na bibigyan ng prayoridad para sa darating na 2015 Southeast Asian Games at 2016 Rio de Janeiro Brazil Olympics.

"Hindi na, kahit na sino na lang puwedeng mag-register tapos biglang aatras sa laban," sinabi ni Garcia, na inihayag na magkakaroon ngayon ng limang regional qualifying leg kung saan ang mga magwawaging atleta ay tutuntong sa kampeonato sa susunod na PNG.

Ang limang regional qualifying leg ay isasagawa naman sa Northern at Southern Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region (NCR).

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Ang mga magwawagi ay uusad sa PNG finals.

Ang PNG ang magiging basehan din ng PSC upang masukat ang kakayanan ng pambansang atleta upang mapanatili ang kanilang mga estado bilang pinakamagagaling na atleta sa bansa.

Ang PNG din ang basehan upang 'di mawala ang mga tinatanggap na buwanang allowances at insentibo ng mga atleta sa ahensiya.

Sinabi pa ni Garcia na kanilang binago ang format ng PNG dahil sa ilang atleta ang kayang magwagi ng ilang medalya dahil sa kakulangan ng matinding kalaban habang ilang sports naman ang halos walang kalahok na agad nakasiguro ng medal ya sa mga mi yembro ng pambansang koponan.

"We will not allow that anymore," sinabi ni Garcia. "We wanted to raise the quality of participants in the PNG and for our national athletes to train harder dahil alam nila na at a given time ay puwede silang mapaalis sa team ."

Idinagdag ni Garcia na ang lahat ng mabibigong miyembro ng national team at national pool ay posibleng mademote o mawalan ng tinatanggap na allowance.

"Our national athletes, especially those in the priority lists, have no reason to lose because they had the full support from the PSC. They must prove that they are the best among the Filipino athlete," giit pa ni Garcia. "If an unknown athlete beats a priority athlete, that athlete will be taken into the national pool."

Matatandaan na huling isinagawa ang PNG noong Mayo kung saan ay mahigit na 8,000 ang nagpartisipa. Sa kasalukuyan ay mayroong 800 atleta ang nasa national pool, kabilang ang 150 priority athletes na tumatanggap ng P40,000 buwanang allowance at P40,000 para sa pagsasanay sa loob o labas ng bansa.