IPINAGDRIRIWANG ngayon ng Republic of Uganda ang kanilang Pambansang Araw na gumugunita ng kanilang kalayaan mula sa United Kingdom noong 1962.
Isang bansa na nasa equator sa East Africa, ang Uganda ay nasa hangganan Kenya na nasa silangan, ng Sudan sa hilaga, ng Democratic Republic of the Congo, ng Rwanda sa timog-kanluran, at ng Tanzania sa timog. Ang pangalan ng Uganda ay halaw sa Buganda kingdom, na napaliligiran ng bahagi ng katimugan ng bansa na kabilang ang kapital na Kampala.
Ang populasyon ng Uganda ay nasa mahigit 36 milyon at ito ay multi-ethnic. Taglay ng Uganda ang 40 iba’t ibang lengguwahe ngunit ang opisyal na wika ay English at Swahili. Ang Ugandan English ay may lokal na panlasa. Luganda, isang central language, ay laganap sa bansa. Ang Uganda ay miyembro ng ng iba’t ibang international at regional organization tulad ng United nations, ng Organization of Islamic Cooperation, ng Commonwealth of nations, ng African Union, at ng East African Community.
Nakasandal ang ekonomiya ng Uganda sa agrikultura. Mahigit 80% ng mga manggagawa ay nasa sektor na ito kung saan ang kape ang pinakamalaking tagaambag sa export market. Taglay ng bansa ang mayamang kalikasan tulad ng matabang lupa, regular na ulan, at ilang mineral depost na copper at cobalt. May langis at natural gas sa naturang bansa ngunit hindi pa iyon nagagalaw. Umaasa rin ang Uganda sa remittances mula sa overseas Ugandans.
Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Republic of Uganda sa pangunguna nina Pangulong Yoweri Museveni at Prime Minister Ruhakana Rugunda sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw.