Nalusutan ang University of the East ang hamon na itinayo ng Ateneo de Manila upang makamit ang kanilang ika-11 sunod na kampeonato sa pamamagitan ng 20-25, 25-20, 25-14, 18-25, 20-18 na panalo sa katatapos na UAAP boys volleyball championships sa Adamson Gym.

Itinala ni tournament MVP Ron Medalla ang championship-clinching smash na tumama pa sa mukha ni Anthony Sarino para ganap na maangkin ang tagumpay ng kanilang koponan kontra sa hard-fighting na Blue Eaglets sa Game 2 ng kanilang best-of-three series.

Nauna rito, kinailangan din ng Junior Warriors ng limang sets para makamit ang panalo sa finals opener kasunod ng kanilang pagwawalis sa lahat ng kanilang 12 laro sa eliminations.

“The players worked hard for this one. We are blessed to win another championship,” ani Junior Warriors coach Ruel Pascual na mawawalan ng siyam na manlalaro sa susunod na taon kabilang na ang kanyang starting six dahil sa graduation.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mas naging matamis ang tagumpay ng UE dahil hindi na nila nakasama ang last season MVP na si Edward Camposan na naglalaro na ngayon sa kanilang college team.

Bukod dito, nagkaproblema pa sila matapos na magtamo ng ACL injury ang isa sa kanilang starter na si Ruvince Abrot sa huling araw ng eliminations.

Napiling Best Attacker si Joshua Umandal na siyang namuno sa Junior Warriors sa deciding frame habang nakamait naman ng kanyang mga kakamping sina Adrian Imperial at Ralph Imperial ang Best Setter at Best Libero award.

Ang iba pang mga individual awardees ay Sebastian Cuerva (Best Server) at Gian Carlo Glorioso (Best Blocker) ng Ateneo at sina Reymart Reyes (Rookie of the Year) at Daryl Cayamso (Best Receiver) ng NU.